LGU-Diffun, namahagi ng 2-way portable radio sets sa mga guro at mag-aaral

Humigit-kumulang 3,000 units ng 2-way portable radio sets ang ipinamahagi ng Local Government Unit (LGU) ng bayan ng Diffun, Quirino sa mga guro at estudyante ng Districts1 & 2, upang magamit nila sa “learning activities under the new normal.”

Ang pamamahagi ay isinagawa sa tanggapan ni Mayor May G. Calaunan, at sinaksihan naman ng Sangguninang Kabataan members na sina Gloria Antolin at Atty. Ma.Karen Guillermo.

Ang nasabing inisyatibo sa tulong at suporta ng mga opisyales ng bayan, ay naglalayong makatulong sa mga guro at estudyante na hirap o walang internet connectivity o di naman kaya ay walang magamit na gadget.

Ulat ni Edel Allas

Please follow and like us: