Mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo dumalo sa isinagawang family fitness day

Kung ang maraming mga kababayan natin ay nagbakasyon sa ibat’ibang lalawigan… mas pinili naman ng mga miyembro ng iglesia ni cristo na  daluhan ang family fitness day sa araw na ito.

Suot ang makukulay na uniporme, hindi pa man sumisikat ang araw ay naroon na sila sa venue kung saan magsisimula ang gaganaping fun run.

Ganap na alas 5:00 ng umaga kanina ay sinimulan ang fun run mula sa Central Avenue patungong New Era University open fields.

Nang makarating na sa NEU open fields, doon naman isinagawa ang zumba na dito ay kitang kita ang kasiyahan at excitement ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo.

Tagaktak man ang pawis, kitang kita sa mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo ang kasiyahan sa natapos na aktibidad at bago pa man tuluyang umuwi ay isang boodle fight naman ang kanilang isinagawa para magkakasama rin sila sa isang masarap at masayang agahan.

Ulat ni: Anabelle Surara

Please follow and like us: