Libreng sakay ng DOTr at LTFRB, muling umarangkada sa Laguna

Muling umarangkada sa Laguna ang “Libreng Sakay” na kaloob ng Dept. of Transportation (DOTr) at Land Franchising and Regulatory Board (LTFRB), sa pakikipagtulungan ng Modern Era Transport Corporation.

Layunin nitong makatulong ang pamahalaan katuwang ang mga transport cooperative sa lalawigan sa mga commuter, para makatipid sa pamasahe sa kanilang pang araw-araw na biyahe.

Nagsimula ang libreng sakay ng DOTr at LTFRB nitong Sept. 20 na tatagal naman hanggang Dec. 31.

Ang Modern Era Transport Corp. ay mayroong 15 units na bumibiyahe araw-araw mula San Pedro hanggang sa Calamba City Laguna.

Please follow and like us: