Libreng sakay para sa mga beterano simula ngayong Biyernes

Photo: eaglenews.ph

Isang linggong magpapatupad ng libreng sakay para sa mga beterano ang Metro Rail Transit-3 (MRT-3) at ang Light Rail Transit-2 (LRT-2).

Sinabi ng Department of Transportation (DOTr), na ang libreng sakay ay simula ngayong Biyernes, April 5 hanggang sa April 11.

Ang hakbang ayon sa ahensiya, ay kaugnay ng pagdiriwang ng Day of Valor (Araw ng Kagitingan) sa April 9 at Philippine Veterans’ Week.

Abiso ng DOTr, kailangan lamang ng mga beterano na ipakita ang IDs na inisyu ng Philippine Veterans Affairs Office upang ma-avail ang libreng sakay.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *