Ligtas pasada sa kalsada campaign, inilunsad ng LTFRB

Isa-isang pinapara ng mga tauhan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang mga pumapasadang pampasaherong sasakyan para bigyan ng inuming tubig at pampleto na naglalaman ng guidelines sa ligtas na pamamasada sa kalsada.

Sinabi ni Rowena Dincol LTFRB media coordinator na ang Ligtas Pasada sa Kalsada campaign ay bahagi ng programa ng ahensiya para paalalahanan ang mga tsuper ng pampasaherong sasakyan na maging maingat at maging ligtas kasama ang mga pasahero.

Ayon kay Dincol dapat sundin ng mga tsuper ang lahat ng traffic rules upang makaiwas sa disgrasya sa daan.

Inihayag ni Dincol kung papaanong sinusuri ng LTFRB ang road worthiness ng mga pampublikong sasakyan bago bigyan ng prangkisa kailangan ding magpaalala sa mga driver na maging maingat at manatiling nasa kondisyon ang katawan at isipan para sa kapakanan ng riding public.

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *