Lima patay sa pagbagsak ng eroplano sa isang hangar sa Poland

A Cessna 208 small plane is seen into an hangar after a crash in an airfield in the village of Chrcynno, near Warsaw, on July 17, 2023.(Photo by Wojtek Radwanski / AFP)

Lima katao ang nasawi matapos bumagsak ng isang maliit na eroplano sa hangar sa isang airfield malapit sa Warsaw, Poland.

Sinabi ng rescuers na tatlo katao ang lulan ng eroplano nang bumangga ito sa corrugated iron hangar, kung saan sumisilong ang 13 katao dahil sa bagyo.

Sinabi ni Warsaw police spokesman Sylwester Marczak, “Five people died and eight others were injured, two of them seriously, the pilot was among the dead.”

Bumagsak ang eroplano sa village ng Chrcynno, 47 kilometro (29 milya) mula sa Warsaw, sa isang maliit na paliparan na kilala para sa parachute jump training.

Ang naturang Cessna aircraft ay ginagamit para sakyan ng mga parachutist.

Sinabi ni Marczak na maglulunsad ng imbestigasyon ang pulisya kaugnay ng insidente.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *