Mga mag-aaral ng Trece Martires City Cavite, wagi sa International Math Competition

Limang elementary pupils mula sa Trece Martires City Elementary School ang humakot ng medalya sa ginanap na International Singapore Math Competition (ISMC) 2020. 


Kinilala ang mga elementary pupils na sina: Dannah Paula Lucero na isang Grade 2, na nakakuha ng Bronze medal, Ryle Arbollente, Grade 3, na nakakuha ng ang Silver medal,  Keesha Ambata na isang Grade 3 ang nakakuha naman ng Gold medal, Gabe Macatangay Grade 5 ang nakakuha ng Silver medal at Allen Carpio na isang Grade 6 ang nakakuha naman ng Silver medal.


Ayon kay Trece Martires City Mayor Gemma Lubigan, natutuwa sila sa karangalang nakuha ng mga bata mula sa international competition sa kanilang siyudad.

Pinuri din ng alkalde ang mga magulang at guro ng mga bata dahil sa ipinamalas nilang husay at galing sa Mathematics. 

Jet Hilario

Please follow and like us: