Limang miyembro ng Ipit Gang , arestado sa Maynila

Arestado ng bike patrollers ng Manila Police District ang limang miyembro ng laglag barya o Ipit-Gang.

Sa report ng MPD Station 9, isang biktima ang nagreport na nabiktima siya ng grupo.

Sumakay siya ng jeep sa Pedro Gil Street at pagdating sa bahagi ng Taft Avenue ay kunwaring mag-ba-bayad ang isa sa suspek at nalaglag ang baryang iniaabot nito sa isa pang kasabwat.

Pinulot naman ng biktima ang barya at doon na nakuha ang kanyang wallet at cellphone.

Pagbaba ng jeep ay eksaktong may nakitang bike patrol ang biktima kaya agad itong nakapag-sumbong na nagresulta sa mabilis na pagkakaaresto ng limang suspek.

Nakuha mula sa mga suspek ang iba’t ibang uri ng cellphone.

Nabatid na maliban sa mga jeep ay nambi-biktima rin ang mga suspek sa mga pasahero ng UV express.

Madelyn Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *