Limang Senador iniuugnay sa negosyanteng nag-middleman para makapasok ang shabu sa Customs

Limang Senador ang iniiugnay ngayon kay Kenneth Dong, ang umano’y middleman kaya nakapasok ang 6.4 billion shipment ng shabu sa Bureau of Customs mula sa China.

Sa imbestigasyon ng Senado, lumitaw na si Dong ang naging middleman sa broker na si Mark Taguba at negosyanteng si Chen Joo Long alyas Richard Chen para maipasok ang shipment na una nang idineklarang umano’y printing materials.

Pero lumitaw na si Dong ay isa sa mga itinuturong campaign donor ni Senador Joel Villanueva noong 2016 elections habang ninong at ninang niya sa kasal sina Senate President Pro-Tempore Ralph Recto, Juan Miguel Zubiri, Francis Pangilinan at Risa Hontiveros.

Inamin nina Villanueva, Zubiri, Hontiveros at Pangilinan na kilala nila si Dong pero wala silang impormasyon sa pagkakaugnay nito sa illegal drugs operations.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

 

 

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *