Linis Bayan Project isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa Zambales

linis_bayan_project
Photo Courtesy from eaglenews.ph

ZAMBALES, Setyembre 8 (Agila Probinsya) — Sabay-sabay na nakiisa sa linis bayan project ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ng Zambales, partikular na sa mga bayan ng Botolan, Iba, Palauig, Masinloc at Sta. Cruz. Dala ang mga panlinis gaya ng walis tingting, dustpan, kalaykay ay nilinis nila ang harap ng mga pangunahing establishimento sa bawat bayan, gaya ng harap ng mga munisipyo, maging ang kapitolyo ng lalawigan ay nakinabang sa gawaing ito ng Iglesia Ni Cristo.

Patunay ito na ang Iglesia Ni Cristo ay kaisa ng pamahalaan sa pagmamalasakit sa ating kapaligiran, matatandaan na noon lamang nakaraang buwan ay nagsagawa sila ng coastal cleanup sa Iba at Sta Cruz.

Ang ganitong mga aktibidad ay kasama sa mga gawain ng Iglesia Ni Cristo na masiglang nilalalahukan ng kanilang mga kaanib.

(Agila Probinsya Correspondents Michael Montoya, Israel Garcia)

Please follow and like us: