LPA, malaki ang tyansang maging bagyo – PAGASA

Lumalaki na ang tyansang maging bagong bagyo ang namataang Low Pressure Area sa labas ng Philippine Area of Responsibility.

Sa pagtaya ng PAGASA, papasok ang LPA sa teritoryo ng Pilipinas bukas at maaaring maramdaman sa Biyernes o Sabado.

Kung magpapatuloy sa kasalukuyang direksyon, maaapektuhan nito ang Mindanao at tatama rin sa lupa sa Eastern Visayas o Bicol Region.

Maging sa Metro Manila ay maaari ring umabot ang naturang sama ng panahon sa Lunes.

Please follow and like us: