LPA na binabantayan ng PAGASA malabo ng maging bagyo

Malabo ng maging isang ganap na bagyo ang Low Pressure Area na binabantayan ngayon ng  PAGASA.

Huling namataan ang LPA sa layong limandaang kilometro  sa Silangan ng Casiguran, Aurora.

Ayon sa PAGASA,  malaki ang tsansa na malusaw ang LPA.

Gayunman, apektado pa rin ng extension nito ang Visayas, Mindanao, Mimaropa, Bicol Region at Palawan.

Localized thunderstorms naman ang iiral sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng Luzon na makararanas lamang ng isolated na pag-ulan sa hapon o gabi.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *