LTFRB nagbukas ng 4,443 slots para sa TNVS

Inumpisahan na ang pagpoproseso ng 4,443 na bagong slots para sa Transport Network Vehicle Services o TNVS.

Sinabi ni Atty. Ariel Inton ,Presidente ng Lawyers for Commuters Safety and Protection na malaking bagay ang ginawa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB sa pamamagitan ng Resolution 185 para sa 4,443 na bagong slots sa mga nasa sektor ng TNVS.

Inihayag ni Inton sa pamamagitan ng bagong franchise slots na binuksan ng LTFRB para sa TNVS, mapupunan ang kakulangan sa transportasyon ngayong nagbukas na ang ekonomiya ng bansa kahit hindi pa tapos ang problema sa pandemya ng COVID-19.

Kaugnay nito pinasalamatan din ni Ginoong Jun de Leon Presidente ng grupong Laban TNVS ang LTFRB sa pagbubukas ng karagdagang 4,443 na bagong franchise slots upang magkaroon ng trabaho ang mga nasa transport sector.

Ayon kay de Leon tinulungan na ng kanyang grupo ang LTFRB sa processing ng mga TNVS operators ng kanilang prangkisa upang mapabilis ang pag-apruba at maiwasang mapasok ng mga fixers.

Isinasagawa ang processing ng 4,443 na bagong TNVS slots sa Amphitheater ng Quezon Memorial Circle.

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *