“Lumayo ka nga sa akin” Opening salvo ng Viva Films sa PHL Cinema Industry ngayong 2016

Viva Films ang “Buena Mano” sa pag papatawag ng Presscon sa 2016 para sa pelikulang “Lumayo ka nga sa akin”

Star-studded ang coming soon movie ng Viva Films na matagal nang inaabangan ng fans nina Maricel Soriano at Quezon City Mayor  Herbert Bautista.

May tatlong episode ito na kinatatmpukan ng mga malalaking stars sa industriya ng pelikulang pilipino, ang trilohiya na sulat ng manunulat na si Bob Ong, bibida sa unang episode na to na bala sa bala , kamao sa kamao, satsat na satsat sina Benjie Paras at Candy Pangilinan sa direksyon ni Marc Meily, isa itong movie action parody tampok ang mga kinagiliwan nating stunts sa pinoy action movie.Susundan naman ito ng shake, shaker ,shakiest horror movie parody naman ang pangalawang episode, dito mapapanood natin sila Maricel Sorriano, at Quezon City Mayor Herbert Bautista itatampok naman dito ang mga nakagiliwan din nating nakikita kapag napapanood natin ang pinoy horror movie, ito ay sa direksyon ni Adoy Ranay at ang ikatlong episode na Asawa ni Marie na isa nanamang drama, love story parody na pagbibidahan nila Kristine Reyes, Jason Gainza at Paolo Ballesteros dito naman  makikita ay ang mga typical nating napapanood  sa pinoy drama movies,ito ay isang opera comedy na love quadrangle.

Nakatakda na itong ipalabas ngayong January 13, samantalang magkakaroon naman ito ng primer night sa January 12.

 

Please follow and like us: