Mabalacat City, nagbukas ng bagong COVID-19 swab facility

Mismong si City Mayor Crisistomo Garbo ang nagsiyasat ng bagong pasilidad para sa COVID swabbing at isolation facility, sa Community Environment and Natural Resources Office o CENRO.

Ang nasabing pasilidad ay mayroong isang daang silid, dalawang malaking tent at apat na tower-type air conditioning units.

Ang karagdagang mga pasilidad na ito ay naglalayong makatulong sa mga ospital na hindi na kayang tumanggap ng mga pasyenteng apektado ng COVID-19.

Ani Mayor Garbo, dapat maayos at kontrolado ang temperatura, may proper lighting at malinis na tubig ang mga pasilidad, sapagkat mahirap at hindi biro ang malagay sa isolation.

Kabilang sa mga sinigurado ni Mayor Garbo sa kaniyang ginawang pag-iinspeksyon, ay ang vaccine storage facility na naglalaman ng mga biomedical freezers na may sapat na temperatura na siyang paglalagyan ng mga bakuna.

Sheniel Mallari

Please follow and like us: