Madugong raid ng militar at pulis sa Pikit North Cotabato , pinaiimbestigahan

Pinaiimbestigahan ni Senador Leila de Lima ang nangyaring madugong raid ng militar at pulis sa Pikit North Cotabato na ikinamatay ng anim katao.

Ayon sa Senador , dapat tingnan kung may nangyaring rub out.

Kasama sa pinaiimbestigahan nito ang posibleng paglabag sa ceasefire protocol sa Moro Islamic Liberation Front sa kasunduan.

Kailangang may koordinasyon na ang pulis at militar sa MILF bago ang anumang military operation para maiwasan ang madugong bakbakan.

Nauna nang niraid ng militar at pulis ang Gokotan village sa Pikit Cotabato noong December 29 kung saan itinatago umano ang mahigit apatnaraang nakaw na motorsiklo kung saan napatay ang anim katao at ikinasugat ng tatlong pulis at isang sibilyan.

Meanne Corvera

Please follow and like us: