Mag-live-in partner, arestado sa buybust operation sa Quezon City    

Arestado sa buybust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency – National Capital Region (PDEA-NCR), PDEA Bataan at PDEA Aurora sa parking lot ng malaking mall sa Quezon City ang mag-live in partner na pinaniniwalaang tulak ng droga.

Nakilala ang mga suspek na sina Arnel Capulong at Neralyn Ocampo na pawang mga taga-Calumpit, Bulacan.

Nakumpiska sa kanila ang isang plastic sachet na naglalaman ng 100 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P680,000.

Nabawi rin ang ginamit na buybust money, cellphone at sasakyan ng mga suspek.

Nasa kustodiya na ng PDEA ang dalawang suspek habang inihahanda ang mga kasong isasampa sa kanila sa ilalim ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Mar Gabriel

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *