Mag live-in partner arestado sa isinagawang drug buy bust operation sa Quezon City

Nahuli sa akto ng mga otoridad ang mag live in partner sa Harvard St. Cubao Quezon City na nagbebenta ng sachet ng droga.

Kinilala ang dalawa na sina Ian de Leon, 22 years old at partner nitong si Elace Zamora 19 years old na kasalukuyang 8 buwang buntis.

Aminado rin ang dalawa na sila ay gumagamit din ng shabu.

Ayon kay Sr. Inspector Ramon Aquiatan, Hepe ng SDEU ng QCPD Station 7, matagal na nilang minamanman ang dalawa sa illegal na gawain ng mga ito.

Tricycle driver ang kadalasang parokyano ng dalawa.

Narekober naman sa dalawa ang apat na sachet ng shabu na nagkakahalaga ng ₱2,000 at ₱300 na drug buy bust money.

Samantala, sasampahan naman ng kasong paglabag sa Section 5 and  11 ng Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang dalawang suspect.

Ulat ni: Earlo Bringas

 

 

Please follow and like us: