Magdalo group naghain na ng supplemental complaint para sa impeachment ni Pang. Duterte

Naghain na ng supplemental complaint ang grupong Magdalo sa kasong impeachment na isinampa laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasong betrayal of public trust ang isinampa ni Magdalo Partylist Representative Gary Alejano laban kay Duterte sa Sgt. at Arms ng Kamara.

Ayon kay Alejano, nagtaksil  sa bayan ang Pangulo nang makipagkasundo ito sa China para magsagawa ng panibagong exploration sa Benham Rise.

Nauna nang sinampahan ng impeachment complaint ng Magdalo si Duterte dahil naman sa mga kaso ng extra judicial killings at umano’y  itinatagong yaman na hindi idineklara sa kaniyang Statement of Assets Liabilities and Networth o SALN.

Ulat ni: Mean Corvera

Please follow and like us: