Magsasaka sa Pangasinan, patay matapos saksakin ng kaanak

Dead on arrival sa pagamutan ang isang magsasaka sa Barangay Palapad, San Fabian, Pangasinan matapos pagsasaksakin ng kaanak nito.

Batay sa imbestigasyon, sinabi ni Police Major Hermilita Guittering, hepe ng San Fabian PNP, nangyari ang insidente habang nag-iigib ng tubig ang biktimang si Remejio Abuan Mostajo.

Nagkita aniya sila ng suspek at kaanak nitong si Jesus Manaois Narvasa at bigla na lamang may pinagtalunan.

Nauwi sa mainitang pag-uusap ang dalawa at sa pamamagitan ng dalang bolo ni Narvasa, sinaksak umano nito si Mostajo sa kaliwang bahagi ng katawan nito na naging dahilan ng agaran nitong pagkamatay.

Lumalabas na dati nang may alitan ang dalawa dahil sa usapin sa lupa.

Inamin naman ng suspek ang krimeng nagawa niya kaya kasalukuyan na itong nakakulong sa San Fabian police station.

Herminio Diano, EBC Corres


Please follow and like us: