Mahigit 1 libong Private schools sa bansa, pinayagang magtaas ng tuition fee

Pinayagan ng Department of Education o DepEd na magtaas ng tuition fee ang isang libo at labintatlong (1,013) mga Pribadong elementarya at high-school sa darating na pasukan.

Ayon kay Education Seceratary Leonor Briones, ang nasabing bilang ay walong porsyento lamang ng halos labintatlong libong mga paaralan sa buong bansa.

Pinakamarami sa mga paaralan na pinayagang magtaas ng singil sa tuition fee ay mula sa Metro Manila, Regions 11 at 3.

Positibo naman ang kalihim na dahil sa nasabing pagtataas ng matrikula ay maiiwasan na ang paglipat ng mga gurong nasa private sa public school dahil alinsunod sa batas ay 70 porsyento ng itataas ay dapat na mapunta sa mga teaching staff ng mga paaralan.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *