Mahigit 1 milyong pisong halaga ng smuggled na sigarilyo nasabat sa Zamboanga

Aabot sa 1.2 milyong pisong halaga ng smuggled na sigarilyo ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa Zamboanga City.

Ayon sa PCG, ang humigit kumulang 1,800 ream ng sigarilyo ay nadiskubre sa isang truck na lulan ng isang barko.

Itinago pa umano ang mga ito sa mga styro container.

Arestado naman ang driver ng truck na kinilalang si Khadaphy Asim.

Dinala na sa Bureau of Customs ang mga nakumpiskang iligal na produkto.

Madelyn Villar- Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published.