Mahigit 1,000 bagong kaso ng COVID-19, naitala sa CALABARZON

Muling tumaas ang aktibong kaso ng COVID-19 sa CALABARZON.

Sa pinakahuling tala ng DOH Center for Health Development- CALABARZON, umaabot na sa 12,096 ang aktibong kaso ng virus sa rehiyon.

Ito ay makaraang makapagtala ng 1,018 bagong kaso ng sakit at 376 bagong gumaling na pasyente ang CALABARZON.

Sa kabuuan ay 210,341 ang kumpirmadong nahawahan ng COVID sa Region IV- A.

Gayunman, mula sa nasabing bilang ay nakarekober na mula sa COVID ang 191,901 pasyente.

Nadagdagan naman ng 25 ang bagong pumanaw dahil sa sakit kaya nasa 6,300 na ang namatay bunsod ng sakit sa CALABARZON.

Moira Encina

Please follow and like us: