Mahigit 1,000 PUJ driver ng sa NCR, pumirma sa Service contracting program para sa karagdagang kita

Umaabot na sa 1,354 traditional at modernized Public Utility Jeepney (PUJ) driver sa National Capital Region ang pumirma na ng kontrata upang mapabilang sa Service Contracting program.

Minomonitor na ngayon ng Systems Manager ng programa ang kabuuang kilometrong binibiyahe ng mga tsuper.

Ang Service contracting program ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay isinasagawa alinsunod sa Republic Act 11491 o Bayanihan to Recover as One Act upang makapagbigay ng karagdagang kita sa mga driver ng jeep at bus.

Ang mga driver ay sumailalim sa orientation ng LTFRB at ng Systems Manager upang mas maunawaan nila ang programa.

Please follow and like us: