Mahigit 1,000 pulis , ipakakalat ng MPD sa Binondo hanggang Divisoria kaugnay sa selebrasyon ng Chinese New Year sa Pebrero 16

Paiigtingin ng Manila Police District ang seguridad sa ilang lugar sa lungsod para sa pagdiriwang ng chinese new year sa Pebrero a -disi-sais.

Sinabi ni MPD Director Chief Supt. Joel Coronel na 1,200 police personnel ang idi-deploy nila sa Binondo hanggang Divisoria.
Magtatalaga din anya ng augmentation force sa police community precinct 2, 3 at 11 na tututok sa lucky china town na sentro ng chinese new year activities.

Magpapakalat din anya ng mga k-9 units at operatiba ng explosive ordinance division sa paligid ng china town dahil sa inaasahan ding pagdalo ng VIPs.

Babantayan din ng MPD ang lucky china town mall kung saan magkakaroon ng fireworks display sa hatinggabi ng February 16.
Uumpisahan ng MPD ang paghihigpit ng seguridad sa Miyerkules na ash Wednesday at simula ng lenten season ng mga katoliko.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *