Mahigit 13 libong bagong kaso ng COVID-19 naitala sa bansa

Umabot na sa 145,562 ang aktibong kaso ng COVID 19 sa bansa sa kasalukuyan.

Itoy matapos na makapagtala ang Department of Health ng 13,827 bagong kaso ng COVID 19 sa bansa, habang 16,759 ang naitalang bagong gumaling.

May 118 namang naitalang bagong nasawi dahil sa virus, kaya umabot na sa 33,448 parin ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID 19.

Sa ngayon ay 1,989,857 ang kabuuang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa habang 1,810,847 naman ang kabuuang bilang ng mga nakarekober na.

Madz Moratillo

Please follow and like us: