Mahigit 15,000 bagong kaso ng Covid-19, naitala sa bansa

Umabot na sa 130,268 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa sa kasalukuyan.

Ito’y matapos na makapagtala ang Department of Health ng 15,566 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, habang 23,483 ang naitalang bagong gumaling.

May 199 namang naiulat na bagong nasawi dahil sa virus, kaya umabot na sa 38,493 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Sa ngayon ay 2,565,487 ang kabuuang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa habang 2,396,726 naman ang kabuuang bilang ng mga nakarekober na.

Madz Moratillo

Please follow and like us: