Mga trial courts sa NCR mananatiling pisikal na sarado simula Oktubre 4

Pisikal na sarado pa rin para sa mga court users simula sa Oktubre 4 ang first- at second- level courts sa Metro Manila.

Sa sirkular na inisyu ni Court Administrator Jose Midas Marquez, sinabi na ito ay maliban na lang sa urgent matters na kailangan ng in-court proceedings.

Magpapatuloy naman ang operasyon online ng mga NCR courts at ang pagsasagawa ng videoconferencing hearings sa mga pending na kaso urgent man o hindi.

Maaari ma-contact ang mga korte sa kani-kanilang hotlines at email addresses na makikita sa website ng Korte Suprema.

Suspendido pa rin ang filing at service ng mga pleadings at mosyon.

Limitado naman sa 20% ang skeleton workforce sa mga korte at essential judicial offices.

Moira Encina

Please follow and like us: