Mahigit 15,000 balota para sa Baranggay at SK elections naimprenta na – COMELEC

Umaabot na sa mahigit labing-limang libong balota na gagamitin sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Batanes sa Oktubre ang naimprenta na.

Sinabi ni Comelec Spokesman James Jimenez na 15, 021 na mga balota ang naimprenta na ng National Printing Office para sa Batanes.

Mula sa nasabing bilang, 11,101 ang para sa Barangay elections at 3,920 naman ang para sa SK elections.

Nasa 77 milyong balota ang gagamitin sa buong bansa na kailangang iimprenta.

Nagsimula ang pag-iimprenta ng balota noong August 9, 2017.

Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *