Mahigit 158,000 na active cases,naitala ng DOH

Umabot na sa 158,637 ang aktibong kaso ng COVID 19 sa bansa sa kasalukuyan.

Ito’y matapos na makapagtala ang Department of Health ng 18,945 bagong kaso ng COVID 19 sa bansa, habang 21,962 ng naitalang bagong gumaling.

May 161 namang naitalang bagong nasawi dahil sa virus, kaya umabot na sa 34,498 parin ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID 19.

Sa ngayon ay 2,121,308 ang kabuuang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa habang 1,928,173 naman ang kabuuang bilang ng mga nakarekober na.

Madz Moratillo

Please follow and like us: