Mahigit 16 na libo na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa naitala ng DOH

Umabot na sa 170,446 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa sa kasalukuyan.

Itoy matapos na makapagtala ang Department of Health ng 16,989 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, habang 24,123 ang naitalang bagong gumaling.

May 214 namang naitalang bagong nasawi dahil sa virus, kaya umabot na sa 35,742 parin ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Sa ngayon ay 2,283,011 ang kabuuang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa habang 2,076,823 naman ang kabuuang bilang ng mga nakarekober na.

Madz Moratillo

Please follow and like us: