Mahigit 20 Tarantula at Scorpion na iligal na ipinuslit sa bansa, nasabat ng BOC

Isang package na naglalaman ng 20 endangered tarantula spiders at 8 scorpion na iligal na ipinuslit sa bansa ang nasabat ng Bureau of Customs.

Ayon sa BOC, ang nasabing package ay idinaan sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City kung saan matapos suriin ang pakete ay nakitang 28 plastic containers na naglalaman ng mga tarantula at scorpion ang laman nito.

Ang package ay mula umano sa Samut Parakain, Thailand at idineklara bilang “Teaching equipment”.

Wala rin itong import permits.

Ang mga tarantula at scorpion ay agad namang itinurn over sa Department of Environment and Natural Resources Wildlife Traffic Monitoring Unit para sa tamang pangangalaga.

Noong nakaraang taon, matatandaang 119 tarantula mula sa Poland ang nasabat rin ng BOC na itinago naman sa loob ng sapatos.

Ang iligal na importasyon, koleksyon, at pagbebenta ng Endangered Wildlife ay may katapat na parusang pagkabilanggo ng 6 na taon at multang 200 libong pisong multa sa ilalim ng Republic Act 9147 o ang Wildlife Resources Protection and Conservation Act.

Madz Moratillo

Please follow and like us: