Mahigit 2,000 na bagong kaso ng COVID-19 naitala sa bansa nitong nakaraang linggo

Medical workers prepare to take oropharyngeal swabs from residents during a mass testing for the COVID-19 coronavirus at a park in Quezon City, suburban Manila on April 15, 2020. (Photo by Ted ALJIBE / AFP)

Umabot sa 2,091 kada araw ang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa nitong nakaraang linggo.

Sa datos ng Department of Health, mula Hulyo 11 hanggang 17, nakapagtala ng 14,640 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Mas mataas ito ng 44% kung ikukumpara sa naitala mula Hulyo 4 hanggang 10.

May 35 bagong kaso ng severe at critical naman ang naitala at isang nadagdag sa listahan ng nasawi.

Pero ang isang nasawi na ito, noon pang Oktubre ng 2021 at late lamang naisama sa rekord.

Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us: