Mahigit 20,000 bagong kaso ng Covid 19 naitala sa bansa

Umabot na sa 188,108 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa sa kasalukuyan.

Ito’y matapos na makapagtala ang Department of Health ng 20,336 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, habang 10,028 ang naitalang bagong gumaling.

May 310 namang naitalang bagong nasawi dahil sa virus, kaya umabot na sa 36,328 pa rin ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Sa ngayon ay 2,324,475 ang kabuuang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa habang 2,100,039 naman ang kabuuang bilang ng mga nakarekober na.

Madz Moratillo

Please follow and like us: