101 nominado bilang hukom sa mga korte sa Visayas at Mindanao, pasok sa shortlist ng JBC

Isinumite na ng Judicial and Bar Council (JBC) sa Malacañang ang shortlist para sa judgeship positions sa mga korte sa Regions VI, VII, X at XI.

Umaabot sa 101 nominado bilang hukom sa Visayas at Mindanao ang pasok sa listahan ng JBC.

Karamihan sa mga nominado ay para sa mga branches ng Bacolod City, Negros Occidental Regional Trial Court.

Kasama rin sa shortlist ang mga nominado para sa Carmen, Bohol RTC, at mga RTC sa Bogo City, Cebu City, at Mandaue City sa Cebu.

Gayundin, sa mga regional trial courts sa Dumaguete City at Guihulngan sa Negros Oriental at sa Cagayan de Oro, Misamis Oriental.

Nasa listahan din ang mga nominado para sa Mandaue City Municipal Trial Court in Cities, Glan-Malapatan, Sarangani 1st Municipal Circuit Trial Court, at Daan Bantayan- Medelin- San Remigio 3rd MCTC.

Moira Encina

Please follow and like us: