Mahigit 270 mga pulis, nakarekober sa Covid-19

Nasa 278 ang karagdagang mga gumaling sa Covid-19 sa hanay ng Pambansang Pulisya.

Dahil dito, umakyat na sa 14,751 ang recovery cases sa PNP.

Gayunman, naragdagan din ng 233 ang mga tinamaan ng virus kaya pumalo na sa 17, 194 ang kaso sa kanilang hanay.

May naitala ring bagong mga namatay kaya naitala sa 43 ang death toll.

Please follow and like us: