Mahigit 3,000 bagong COVID-19 recoveries, naitala sa CALABARZON

Nadagdagan ng 3,035 na bagong gumaling na COVID-19 patients ang CALABARZON.

Dahil dito, umaabot na sa mahigit 102,200 ang recoveries na naitala sa Region IV-A

Batay pa sa pinakahuling tala ng DOH Center for Health Development- CALABARZON, nakapagtala ng 2,495 bagong kaso ng COVID sa rehiyon kaya nasa 130,000 na ang kabuuang nahawahan ng virus.

Gayunman, mahigit 24,400 na lang ang aktibong kaso sa CALABARZON.

Umakyat naman sa 3,464 ang pumanaw dahil sa sakit makaraang madagdagan ng 77.

Ang Cavite ang may pinakamaraming active cases ng COVID na mahigit 8,500 at sumunod ang Laguna na nasa 5,700.

Moira Encina

Please follow and like us: