Mahigit 3,000 bagong kaso ng COVID-19 naitala sa bansa

Umabot na sa 44,408 ang aktibong kaso ng COVID 19 sa bansa sa kasalukuyan.

Itoy matapos na makapagtala ang Department of Health ng 3,806 na bagong kaso ng COVID 19 sa bansa, habang 6,296 naitalang bagong gumaling.

May 140 naitalang bagong nasawi dahil sa virus, kayat umabot na sa 26,232 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID 19.

Sa ngayon ay 1,485,457 ang kabuuang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa habang 1,414,817 naman ang kabuuang bilang ng mga nakarekober na.

Madz Moratillo

Please follow and like us: