Mahigit 4,500 bagong Covid 19 cases, naitala ng DOH

Umaabot sa 4,578 na bagong kaso ng covid 19 na naitala ang Department of Health ngayong Biyernes.

Dahil rito, umakyat na sa 611 618 ang kabuuang bilang ng covid 19 cases na naitala sa bansa.

Sa bilang na ito, 52, 012 ang aktibong kaso.

Mayroon namang 272 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 546,912 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa COVID-19 sa bansa.

May 87 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 12,694 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Villar-Mortillo

Please follow and like us: