Mahigit 5,000 bagong kaso ng Covid-19, naitala sa bansa

Umabot na sa 49,036 ang aktibong kaso ng COVID 19 sa bansa sa kasalukuyan.

Ito’y matapos na makapagtala ang Department of Health ng 5,484 na bagong kaso ng COVID 19 sa bansa, habang 3,925 naitalang bagong gumaling.

May 191 naitalang bagong nasawi dahil sa virus, kayat umabot na sa 25,650 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID 19.

Sa ngayon ay 1,455,585 ang kabuuang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa habang 1,380,899 naman ang kabuuang bilang ng mga nakarekober na.

Madz Moratillo

Please follow and like us: