Mahigit 90% ng mga namatay dahil sa Covid-19 hindi pa bakunado – DOH

Nasa 93.49% ng mga namatay dahil sa Covid-19 ay hindi pa bakunado.

Kaya naman patuloy na iginigiit ng Department of Health (DOH) ang kahalagahan ng pagpapabakuna.

Ayon kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, sa 216,074 Covid-19 cases na na-admit sa mga ospital mula March 1 hanggang November 14, 2021, 86% ay hindi pa fully vaccinated.

Ang severe at critical symptoms aniya ng virus infection ay 1.75 times na puwedeng mangyari sa mga hindi pa bakunado.

Habang 2.6 beses naman na may posibilidad na masawi ang hindi pa nababakunahan kumpara sa bakunado na.

Madz Moratillo

Please follow and like us: