Mahigit pisong rollback sa presyo ng LPG, epektibo ngayong Marso

Bawas-presyo sa Liquified Petroleum Gas o LPG ang ipinatupad ng mga kumpanya ng langis ngayong unang araw sa buwan ng Marso.

Epektibo kaninang alas-dose ng hatinggabi ang 1.60 na bawas sa presyo ng kada kilo ng kanilang LPG.

Katumbas ito ng 18.50 na pagbaba sa persyo sa kada 11-kilogram cylinder ng LPG.

May bawas din na 90 sentimo kada litro ang Petron sa kanilang Auto-LPG.

Samantala, ang kumpanyang Solane naman ay nag-rollback ng 1.64 per kilogram sa kanilang produktong LPG na katumbas ng 18.04 na bawas sa presyo sa 11-kilogram cylinder.

Epektibo naman ito kaninang alas-6:00 ng umaga.

 

==========

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *