Mahigit sa 1,000 pulis sa Region 6, nakatakdang ma-promote sa taong ito

Mahigit isang libong mga pulis mula sa PNP Region 6 ang naghihintay na lamang ng kanilang promosyon para sa taong ito. 


Mahigit dalawang libong mga aplikante ang nagsumite ng kanilang application for promotion subalit nasa 1,472 lamang ang bibigyan ng promosyon batay na rin sa inaprubahang quota ng PNP Reg. 6. 


Ang lahat ng mga qualified applicants na nakatugon sa tamang proseso ng kwalipikasyon ang sasailalim sa iba pang mga bahagi ng proseso kagaya ng interview at eksaminasyon. 


Ang promosyon na ito ay paraan ng PNP upang maiangat ang moral at sigla ng kanilang mga tauhan.


Isang paraan din ito para masukat ang kakayahan ng kanilang mga tauhan larangan ng paglilingkod sa mamamayan at para sa bayan.

Raindel Servento

Please follow and like us: