Philippine Red Cross, namigay ng cash assistance sa Barangay Centro 10, Tuguegarao City

Namahagi ng financial assistance ang Philippine Red Cross (PRC) sa pangunguna ng chairman nito na si Sen. Dick Gordon, sa Barangay Centro 10, Tuguegarao City.

Isa ito sa mga barangay na lubhang naapektuhan ng malawakang pagbaha dulot ng bagyong Ulysses, at ng pagpapakawala ng tubig sa Magat Dam kung saan umabot ng lampas tao ang tubig baha.

Mahigit 366 na pamilya ang nabigyan ng financial assistance na nagkakahalaga ng 3,500.

Tiniyak naman ng pamahalaang lungsod ng Tuguegarao na lehitimong residente ng Centro 10 ang mga nabigyan ng ayuda.

Isinagawa ang aktibidad sa Tuguegarao East Central School, na isa sa naging evacuation center ng mga residente ng nasabing barangay.

Ulat ni Nhel Ramos

Please follow and like us: