Mahigit 200 healthcare workers, nabakunahan na sa Kawit, Cavite

Nabakunahan na ang nasa 264 na mga healthcare worker at mga frontliner na naka assign sa Binakayan Hospital and Medical Center, at sa San Pedro Calungsod Medical Center.
Ito ay matapos matanggap ng mga opisyal ng Kawit municipal govt ang mga bakunang inilaan ng pamahalaan para sa kanilang bayan.
Ang Covid 19 Vaccination Rollout ay pinangunahan ng mga opisyal mula sa DOH, at ng mga opisyal ng Kawit Rural Health Unit (RHU).
Ayon kay Kawit Cavite Mayor Angelo Aguinaldo, nagpapasalamat siya sa suporta at sa mga bakuna na ipinagkaloob ng national government sa kanilang bayan.
Patuloy din aniya ang kanilang suporta sa pamahalaan para sa pagbibigay ng mabilis at maayos na bakuna para sa mga residente sa kanilang bayan.
Pinaaantabayanan naman ng mga opisyal ng Kawit municipal govt. ang susunod na schedule ng pagbabakuna sa kanilang bayan para sa iba pang mga frontliner na nangangailangan ng covid 19 vaccine.

Please follow and like us: