San Juan City LGU naghahanap ng medical volunteers para sa COVID-19 vaccination

Nangangailangan ang San Juan City Government ng mga karagdagang medical volunteers para tumulong sa pagbabakuna sa mga residente kontra COVID-19.

Sa abiso ng San Juan City LGU, kailangan nila ng mga doktor at nurse para makaagapay ng vaccination team ng lungsod at mapabilis ang vaccination process.

Ang mga doktor ang magsisilbing screener sa mga vaccinees bago sila turukan habang ang mga nurse ay ang magbabakuna.

Sinabi ng city government na pagkakalooban nila ng honoraria ang mga medical volunteers para sa kanilang serbisyo.

Ang mga interesado ay maaaring tumawag sa Vaccine Secretariat sa 09674680548 o kaya ay mag-email sa [email protected].

Moira Encina

Please follow and like us: