Mahigit sa isangdaang mahihinang pagyanig naitala ng Philvocs sa Taal Volcano.

Nakapagtala ang Philvocs ng isang daan at apatnapu’t walong (148) volcanic earthquake, kabilang ang siyamnapu’t anim (96) na volcanic tremor sa nakalipas na magdamag.

file photo

Nakataas pa rin sa Alert Level 2 ang bulkang Taal dahil sa patuloy na aktibidad nito.

Ayon sa Phivolcs, posible pa rin ang stream-driven o phreatic eruption, at mga ahina hanggang sa katamtamang mga pagyanig.

Pinapayuhan din ng ahensya ang publiko na mapanganib sa kalusugan ng tao ang ibinubuga nitong usok at abo, kung kaya naman kailangang gawin ang mga kaukulang pag iingat ukol dito.

Please follow and like us: