Mahigpit na seguridad, ipatutupad sa paglalabas ng Bar exams result sa Dec. 5, 2023

Hihigpitan ang seguridad sa Korte Suprema sa paglalabas ng resulta ng 2023 Bar Examinations sa December 5, 2023.

Sa abiso na inilabas ng Office of the Bar Chair para sa 2023 Bar Exams results, sinabi na isasailalim sa security inspection ang lahat ng mga papasok sa courtyard ng Korte Suprema para sumaksi sa pag-aanunsiyo ng mga pumasa sa pagsusulit.

Ayon sa SC, ito ay para masiguro ang kaligtasan ng lahat sa araw ng bar exams results.

Inabisuhan din ang publiko na magtutungo sa SC na magsuot ng  proper attire.

Hinimok din ang mga ito na magsuot ng face mask sa premises ng Korte Suprema.

Bubuksan sa publiko ang SC courtyard sa Martes mula 12:00 ng tanghali hanggang 6:00 ng gabi.

Maglalagay ng LED wall sa Korte Suprema kung saan ipakikita ang listahan ng mga pumasa sa Bar examinations.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *