Maiuuwing midyear bonus ng mga government employee mas malaki ngayong taon

Ipina-alala ni Senador Sonny Angara, Chairman ng Senate Committee on Ways and Means sa lahat ng mga empleyado at maging sa mga employer na aplikable sa midyear bonus ang Republic Act 10653.

Sa ilalim ng naturang batas, exempted sa buwis o tax free ang 13th month pay at iba pang benepisyo ng mga empleyado, kasama ang productivity incentives at yearend bonus na mas mababa sa 82 thousand pesos.

Kahit aniya ang midyear bonus ay covered rin ng batas.

Paalala ni Angara sa mga empleyado na nakatakdang tumanggap ng midyear bonus,, tingnang mabuti at tiyaking wala itong bawas na buwis kung ito ay mababa sa 82 thousand pesos.

Kamakailan ay inihayag ng Budget Department na naglaan ng 32 billion pesos ang pamahalaan para sa midyear bonus ng mga kawani ng gobyerno ngayong taon.

₱26 billion dito ay nakalaan para sa mga civilian personnel at ₱6 billion naman para sa uniformed at military personnel.

Inaasahang bago matapos ang buwan ay matatanggap ng mga government employees ang kanilang midyear bonus.

Bago naisabatas ang RA10653 noong Pebrero nang nakaraang taon, thirty thousand pesos lamang ang bonus na tax exempted.

Ulat ni: Mean Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *