Makati LGU tumanggap ng lingap mula sa Iglesia Ni Cristo

Nakatanggap ang Makati ng 1,200 bags ng bigas mula sa Iglesia Ni Cristo.

Tinanggap ito sa pamamagitan ni Makati Administrator Atty. Claro Certeza sa Makati City Hall Building II.

Personal namang nagtungo sa Pandistritong Tanggapan ng INC sa Bangkal, Makati sina Mayor Abigail Binay – Campos at Vice Mayor Monique Lagdameo kasama si Congressman Luis Campos upang personal na magpaabot ng pagpapasalamat sa pagbibigay lingap ng Iglesia Ni Cristo.

Ayon sa alkalde, ipamamahagi ang mga nasabing lingap sa mga hindi pa nakatanggap ng ayuda sa lungsod.

Binanggit din nito ang ginagawang pangangampanya ng lungsod tungkol sa bakuna.

Ayon pa kay Mayor Abby, magkakaroon ng P500.00 gift cheque mula sa lungsod ang sinumang makatatapos ng dalawang dose ng vaccine.

Aniya, pamamaraan ito ng Makati upang mahikayat ang Makatizens na magparehistro para sa bakuna.

Ulat ni Arces Escovidal

Please follow and like us: